Gregorian chant (gri•gór•yan tsant) : himig na ginagamit sa mga ritwal ng sim-bahang Katoliko Romano at isinu-nod sa pangalan ni Pope Gregory I
Gregorian (gre•gór•yan) : may kaugnayan sa isa sa mga paring may pangalang Gregory, lalo na kay Pope Gregory I o kay Pope Gregory XIII
chant (tsant) 1: isang inuulit at maindayog na práse, karaniwang isinisigaw o inaawit nang sabay-sabay ng isang pangkat o madlâ 2: paraan ng pag-awit sa salmo o kantiko 3: nag-iisang nota na paulit-ulit na kinakanta nang iisa lámang ang himig
Gregorian calendar (gri•gór•yan ká•len• dar) : kalen-daryong sinimulan ni Pope Gregory XIII noong 1582, kasalukuyang ginagamit sa maraming bansa, at nagtatakda ng 365 araw sa bawat karaniwang taon at 366 araw sa bawat leap year